Ang Pag babalik ng Mulawin ngayong 2017


Muling e-ere sa GMA Primetime ang isa sa mga pinaka ina-abangang Kapuso characters—ang mga Mulawin.

Papamagatang "Mulawin versus Ravena" ang pagbabalik ng misteryosong telefantasya, na nakatakdang e-ere sa telebisyon ngayong 2017.

Unang pinakita sa publiko ang mysteryo para sa nasabing programa sa naganap na #LipadKapuso2016 New Year's Countdown nitong nakaraang Sabado.

Kamakailan lamang, ipinakita ng talent manager na si Popoy Caritativo ang isang larawan mula sa pagtitipon para sa nakatakdang pag - eere ng “Mulawin vs. Ravena.”

Noong nakaraang taon (2016), napanood sa “Encantadia” ang paglipad ng ilang Mulawin, na dinala nina Alden Richards at Miguel Tanfelix.

Kabilang na ngayon ang “Mulawin vs. Ravena” sa mga aabangang 2017 drama offerings ng GMA Network, kasama ang “Meant To Be" nina Barbie Forteza, Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Jak Roberto; “Destined To Be Yours” nina Alden Richards at Maine Mendoza; at ang Pinoy version ng hit Koreanovela na  "My Love From The Star" nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

Comments